Biyernes, Nobyembre 25, 2011

Samson

You are my sweetest downfall
I loved you first, I loved you first
Beneath the sheets of paper lies my truth
I have to go, I have to go
Your hair was long when we first met

Samson went back to bed
Not much hair left on his head
He ate a slice of wonder bread and went right back to bed
And history books forgot about us and the bible didn't mention us
And the bible didn't mention us, not even once

You are my sweetest downfall
I loved you first, I loved you first
Beneath the stars came fallin' on our heads
But they're just old light, they're just old light
Your hair was long when we first met

Samson came to my bed
Told me that my hair was red
Told me I was beautiful and came into my bed
Oh I cut his hair myself one night
A pair of dull scissors in the yellow light
And he told me that I'd done alright
And kissed me 'til the mornin' light, the mornin' light
And he kissed me 'til the mornin' light

Samson went back to bed
Not much hair left on his head
Ate a slice of wonderbread and went right back to bed
Oh, we couldn't bring the columns down
Yeah we couldn't destroy a single one
And history books forgot about us
And the bible didn't mention us, not even once

You are my sweetest downfall
I loved you first

Miyerkules, Nobyembre 23, 2011

Name Game in November 23

Death is you
Death is who
Death starts with an A
Ends with an N.

An enormous lie
A bag of money
Decays of flesh
Pencils, pens and cameras
Widows and orphans
Husbands and wives
A sister
A brother
A cousin
A friend
Lost.

Death is you
Death is who
Life starts with justice
And justice is still denied

Death is who
May Death be with you
Starts with an A
Ends with an N.

--- end impunity. Justice for the victims of Maguindanao Massacre!

Lunes, Nobyembre 21, 2011

Excerpts from the book Ignorance by Milan Kundera

I imagine the feelings of two people meeting again after many years. In the past they spent some time together, and therefore they think they are linked by the same experience, the same recollections. The same recollections? That's where the misunderstanding starts: they don't have the same recollections; each of them retains two or three small scenes from the past, but each has his own; their recollections are not similar; they don't intersect; and even in terms of quantity they are not comparable: one person remembers the other more than he is remembered; first because memory capacity varies among individuals (an explanation that each of them would at  least find acceptable), but also (and this is more painful) because they don't  hold the same importance for each other. When Irena saw Josef at the airport, she remembered every detail of their long-ago adventure; Josef remembered nothing. From the very first moment their encounter was based on an unjust and revolting inequality.

Page 126

Huwebes, Nobyembre 17, 2011

Sa aking pamilya

Ang taon na ito ay sa atin.
Taon ng muling pagbalik
at pag-alis
Pagpapamilya
Pag-aaral
Oportunidad
Mga bagong tahanan
Pagtatapos
Trabaho
at marami pang iba

Pagsasara  ng mga nakapinid na alaala
at pagtanaw sa hinaharap

Ang taon na ito ay sa atin
at lagi natin itong iisipin
Taon ng tagumpay
at ilang kabiguan
Ngunit hindi kailanman sumusuko
Dahil tayo'y nasanay na
sa  mga pagsubok
na hanggang ngayon
Ay hindi tayo kayang gapiin.

Ang taon na ito ay sa atin.
Sa iyo at sa akin
At umpisa nang mas maraming pang taon.
ng pagsisikap
ng pagkakaisa
at pagdiriwang.

Linggo, Nobyembre 6, 2011

Song number 1

Landslide 
Songwriters: Nicks, Stevie;

Took my love and I took it down
Climbed a mountain and I turned around
And I saw my reflection in the snow covered hills
Well, the landslide brought me down

Oh, mirror in the sky, what is love?
Can the child within my heart rise above?
Can I sail through the changing ocean tides?
Can I handle the seasons of my life?

Well, I've been afraid of changin'
'Cause I've built my life around you
But time makes bolder, children get older
I'm getting older too, well


Well, I've been afraid of changin'
'Cause I've built my life around you
But time makes bolder, children get older
I'm getting older too, well, I'm getting older too

So take this love and take it down
Yeah, and if you climb a mountain and you turn around
And if you see my reflection in the snow covered hills
Well, the landslide brought down

And if you see my reflection in the snow covered hills
Well maybe, well maybe, well maybe
The landslide will bring you down

Sabado, Nobyembre 5, 2011

10 years


I hope to see you
In the most beautiful place
Imaginable by humankind.

I wish you all the happiness
And good health
And everything that is worth remembering.

I want  you to be free
As much as I want myself to be too
And there is nothing more.




Lunes, Oktubre 10, 2011

Kung Naisusulat Ang Lahat ng Panaginip


"Tonight, I can write the saddest lines."
- Pablo Neruda

Para saan ang mahihinang yabag ng aking naglalakbay na puso?
Nahuhumaling ba itong muli o nais na lamang magpakalayu-layo?
Nagmamatigas?
Naglulubid ng kasinungalingan?

Hindi ito masagot ng aking isipan.

Nauukol ba ang bawat isa sa isa pa?
O ang isa ay para sa mas marami pa?
Nagtataka, nagtatanong siya
Alin ang tama at kailan nga ba tama ang talagang tama
Masakit.

Hindi kita sasagutin.

Mananatili ka ba sa yungib ng iyong nakapinid na pantasya,
At magsasawalang-kibo sa tawag ng mapupusok na madaling-araw?
Nananabik, nagnanais ang huling dalaga ng kanyang panahon.
Paano mo hahamunin ang lipunang huwag kang husagahan
Na ikaw ay ikaw at hindi ka laging tama.

Hindi ka na niya naririnig.

Alam na niya ang sagot sa kanyang panaginip.

Lunes, Oktubre 3, 2011

Musika


May isang kaibigan ang nagsabi sa akin noon ng definition ng musika. Hardcore heavy metal rocker siya at alam mong pwedeng pwede siyang mambugbog ng mga boy band lovers anumang oras. Pero sabi niya, ang mahalaga sa musika ay yung rhythm,lyrics at mensahe. Lagi ko daw iyong gagawin kapag nakikinig ako ng kahit anong genre ng music. Sabi ko sa kanya, usually ang mga deep lyrics ay nasa indie at underground music  scene at wala sa mainstream pero sinagot niya ako na hindi din. Kailangan wala daw akong bias at tingnan ang parehas na anggulo. Marami nga daw talagang basura at dekadenteng musika sa daigdig kaya kailangan daw ay matalas ako sa pagpili. Hindi kinakailangan na maging favorite ko yung kanta, ang kailangan lang daw ay napapakinggan ko ng mabuti ang mensahe nito.

 In some ways, tama naman siya dahil pagkatapos nun ay para akong nagkaroon ng “third ear”, isa pang tenga na nagpoproseso ng impormasyon sa likod ng mga awit at himig.Kapag nakikinig ako ng musika, ipinaghihiwa-hiwalay ko ang lyrics sa instumento, at ang mga instrument ay pinaghihiwa-hiwalay ko din. Sa paglipas ng panahon, eto na yung ilang nailista kong mga kanta na nabigyan ko ng sariling pagsusuri, ang iba dito ay hindi na din nakabatay sa kanta kundi nakasalalay na sa sarili kong damdamin kapag naririninig ang kanta. Paumanhin kung hindi ko na mapapasadahan ang iba pang music era.Libreng mag-comment at magdagdag ang lahat, kanya-kanyang third ear naman po tayo.=)

My Immortal- Evanesence
-          Kumbinasyon ng  magandang Vocals and instruments, umiiyak at naulilang bata

Only Hope- switchfoot
-          Lyrics , magpapakamatay para sa pag-ibig

Don’t Think twice its alright- Peter, Paul and Mary
-          Timing, guitars at lyrics, mag-asawang  inabot ng paghihiwalay habang buntis ang babae sa ibang lalaki

Miss Misery- OST ng Good Will Hunting
-          Guitars , magandang pakinggan kapag malungkot

Lady is a Vamp- Spice Girls
-          Sound mixing,lately ko na-realize na  ito ang premonition ng Spice Girls na darating si Lady Gaga sa mundo

Tender Love- ?
-          Lyrics, matagal na matagal na naghintay sa pag-ibig

D’ya know what I mean- Oasis
-          Lyrics and guitars- excommunication

Together Again-Janet Jackson
-          Lyrics, kanta para sa patay

Out of My League- Stephen Speaks
-          Kombinasyon ng Lyrics and piano, wala masyadong mensahe ang kanta, hindi rin pasado as a love song



Baba-o-Riley- The Who
-          Naghinala ako noon na ginaya dito ang soundtrack ng Baywatch pero wala akong proof.  Mahusay ang gitara at keyboards


Lady Madonna- The Beatles
-          Lyrics, kanta para sa lahat ng struggling single mothers

Hands- Jewel
-          Piano, tungkol ito sa rebolusyon. Ayaw lang aminin ni Jewel sa kanta

Mary Jane- Alanis Morissete
-          Nakakatawa pero it took me 1 year( after ma-realease ang album) para ma-realize na para sa Marijuana ang kanta na ito.

Four Seasons of Loneliness- Boyz II Men
-          Lyrics and rhythm, pwedeng pakinggan kapag gusto nating bumagal ang oras

True Colors and Time After Time- Cyndi Lauper
-          Kahit anong oras,mood o sitwasyon, eto ang dalawang kanta na pwede kong kantahin sa ulo.

Mga kanta ng RAGE Against the Machine
-          Wala silang katulad.

Cold Feet- Tracy Chapman
-          Lyrics and guitars, kamatayang walang hustisya

Kundiman at Rebolusyon
-          Sa lahat ng awitin sa R&D, ito ang pinakamadalang na nagiging paborito ng karamihan , pero kung ako ang tatanungin ay ito ang pinakamaganda sa album.


Porcelain - Red Hot Chili Peppers
-          Kanta para sa mga taong-grasa

Piece of My Heart- Janis Joplin
-          Beat and monster vocals, gusto ko din yung version ng kapatid ko

Blackbird- Sarah McLachlan
-          Guitars and vocals, regaining self- confidence and acceptance of truth

A Case of You- Joni Mitchell
-          Gitara, lyrics at vocals, kanta ng  isang nagnanais nang umuwi sa kanyang  mahal na tahanan


One Day- Matisyahu
-          Cello on the background and lyrics, dream of peace

Not Ready to Make Nice-Dixie Chicks
-          Plain and simple message- Anti-US imperialism

Awit ng Kambing- Dong Abay
-          Katotohanan

Waiting in Vain- Bob Marley
-          Beat, pagmamadali at pagtigil

Buhay ay Hindi kasing Ganda ng isang Pangarap- Buklod
-          Vocals, Reality of things


Never Been To Me- Charlene Duncan
-          Piano, May isang kaibigan na nagsabi sa akin na ito ay kanta ng isang prostitute, tapos kinanta ni Ogie Alcasid sa SOP.Imagine? Laugh Trip ang inabot namin.

Stuck in a Moment- U2
-          Husky na boses ni Bono at drums,  a song of courage ng isang batang babae


Daysleeper- REM
-          Tambourine, kinanta ko noong maging call center agent ako


Smoke- Natalie Imbruglia
-          Lyrics, isang incest victim

Unforgiven 2- Metallica
-          Kanta ito para sa lahat ng may kasalanan sa Sambayanang Pilipino

Don’t Say You Love Me- M2M
-          Guitars, against teenage pregnancy ang kanta na ito, akala ng iba na pa-tweetums lang

Wind Beneath My Wings- Bette Midler
-          Vocals and lyrics, para sa De Vera Family

Martes, Setyembre 6, 2011

Tayawan



Nagigiliw ang mga kuliglig sa simoy at anghang
Ipinagdiriwang ng mga labuyo ang mababagal  na hakbang
Nanginig sa takot ang kawawang lamiran
Natupok ng apoy ang mabuhangin na pampang.

Salat sa pagtataguan ang malinamnam na tatad
Gayundin ang pinakamaliliit na kabag
Bayawak man ay hindi nakalundag
Nasilat ng apoy sa putikang patag.

Ngunit ang nakararami pa din ang mapagpasya
Dahil sa bahay na puno ng pulot
Ang apoy ay nagkamali ng tantya
Hinabol, kinagat, kinuyog,
Bandang huli,
Nanalo ang mga bubuyog.

Nilunod ng gutom ang baboy ramo
Nakatakbo ang usa, nagitla ang dayo
Nagtiis na lamang sa saging na mabuto
Napatda ang apoy
Bukas, maglalakbay uli ito.

Martes, Agosto 30, 2011

Makasalikut mu/ Nakatago lang


Madalas da kang agaganaka

(Madalas kitang naaalala)
Pakatandanan mung e da ka akalingwan
(Pakatandaan mong hindi kita kakalimutan)
Kapilanman
(Kailanman)
Kapilanman
(Kailanman)
Hanggang ngeni
(Hanggang ngayon)

Malagad kung mipapatudtud
(Madalang akong nakatutulog)
Maibug kong tumangis alang patda
(Gusto kong umiyak ng walang humpay)
Ugtung Aldo
(Tanghaling tapat)
Disioras ning bengi
(Disioras ng gabi)
Hanggang ngeni, habang gagawan ke ini.
(Hanggang ngayon, kahit habang ginagawa ko ito.)

Mayap ya mu sana
(Maayos lamang sana)
Mayap ka mu sana
(Maayos ka lamang sana)

"Dinukot siya dahil lumalaban daw siya sa gobyerno, masama daw siyang tao.."
"Wala pong kaaway ang anak ko, ang anak ko po ay mabait.."
"Ibalik niyo siya sa akin.."
"Hindi ako magtutulos ng kandila, alam kong buhay siya.."
"Ang masamang tao ay ang mga kumuha sa kanya.."
"Heto ang larawan niya.Nakita niyo po ba siya?"

Atitiyak ku
(Natitiyak ko)
Kalupa na ning litrato mung atsu kanaku
(Katulad ng litrato mong tangan ko)
Makasalikut ka mu.
(Nakatago ka lang.
Itinatago lamang.)

Pantunan da ka pa mu rin
(Hahanapin pa rin kita)
Andyang masakit man
(Kahit mahirap man)
Pantunan da ka pa mu rin
(Hahanapin pa rin kita)
Nanu pa man ing kasapitan
(Ano pa man ang kasapitan)
Panenayan da ka.
(Hihintayin kita.)


--- para sa desaparecidos at kanilang mga pamilya



 August 30, 2011 at 1:15am

Martes, Agosto 9, 2011

Ang Kanta ni Elsa

Ako ay isang lobo
Kulay pulang lobo
Lumipad ngunit hindi umabot sa langit
Pumutok ako sa kalangitan
At nalaglag ng walang dangal sa kalupaan

Ako ay isang lobo
Matingkad at pulang lobo
Itinali ng pagkahigpit-higpit
Tiniis ang masakit, tiniis ang pagpilipit
Pinigil ang hiningang impit

Ako ay isang lobo
Magandang palamuting lobo
Pumutok na pala
Ginawan pa ng kanta
Tuloy, naging nursery rhyme pa

Ako ay isang lobo
Sayang na sayang daw ako
Lugi ang bumili ng lobo
Kung kinain na lamang ng buo
Napakinabangan pa sana ng husto

Hay..

Ako ngayo'y isang hangin
Ay, hindi
Parte na lang ng hangin
Hindi na ako isang lobo
Huwag ka nang malungkot bata,
Malaya na ako.


- para sa lahat ng mga kabataang naging biktima ng sex trafficking

Lunes, Agosto 1, 2011

Ang Kama Ko

(Naisulat ko ito noong ako ay labing dalawang taong gulang pa lang. Wala akong in-edit, lahat ito word per word. Kung paano ko ito isinulat noon, ganun mo din siya mababasa)

Ito lang siguro ang natatanging lugar na maaaring maayos na mapagpahingahan ng pagod kong katawan. May dalawang unan, malambot na kutson at manipis na kumot, gusto ko kasi malamig. Sa lugar ding ito naiisip at napapanaginipan ko ang mga kaibigan ko, mga kaaway ko, mga crush ko rin siyempre at minsan mga multo. Naa'y nakakatakot. Pero, hindi mawawala ang aking mga pangarap, imposible man o hindi, mga pangarap na talagang hindi matutupad kung patuloy lang akong hihiga sa kama ko, mga kaaway na hindi ko na mkakabati kung patuloy kong isisiksik sa punda ng unan ang mga galit ko at mga takot sa multong hindi mawawala kung patuloy akong magtataklob ng kumot at magdamag na buksan ang ilaw. Pero siyempre, hindi ko ipagpapalit ang kama ko.

Abril 1998

Sabado, Hulyo 30, 2011

Ang Kahulugan ng Masaya



Kaya mo bang i-define ang happiness gamit ang isang salita? Mapapaisip ka rin di ba. Ganun din ako dati, isip ng isip kung ano, saan at paano nga ba mararating ang isang happy state. May iba pang mga salita na madalas naihahalintulad sa happiness. Euphoria, high, pure joy, contentment, stability, orgasm, winning, success at kung ano pa mang whatever yan ay ginagawang pantapat sa hapiness. May iba naman na ang pagtingin sa happiness ay opposite sa sinasabi ng Merriam-Webster. Halimbawa, sa mga gahaman, happiness comes from under the table and kahit pa nga above the table. Sa mga magnanakaw, ang happiness ay  nagmumula sa matagumpay na pagkuha sa pinagpawisan ng iba. Masama kung tutuuusin pero kwalipikado sa salitang happiness para sa mga ganitong klaseng nilalang.

Kung ako naman ang tatanungin dahil simple lang akong tao, simple lang din ang isasagot ko. Mababaw lang ang kaligayahan ko at madalas nga na namamalayan ko na lang na kaya kong tumawa ng deretso sa kahit sa isang mahabang diskusyon. Yung tipong pag nagsalita ako, tawa, pag may nagsalita, tawa , pag tahimik, tawa. Buti nga at wala masyadong nagagalit sa akin kapag ganito na ako. Sinusuri ko din naman kung bakit ako nagkaganito dahil dati naman ay hindi ako kibuin talaga. Dumating ako sa kongklusyon na marahil, sa tagal kong dumaan sa mga matitinding problema ay kinailangang mag-cope ng aking sistema.  

Naging masayahin na akong tao lately. Halimbawa, kapag naalala ko yung mga detalye ng isang tagpo na ubod ng tagal na at aabot pa sa punto na ang kulay ng damit, hitsura ng paligid, mga pinag-usapan at iba pa ay maalala ko, grabeng saya ko nun. O kaya naman, yung may makakwentuhan tungkol sa hard core na buhay (na madalang lang nangyayari), amen na amen ako talaga. Masaya din kapag may nakakalaro akong mga bata, yung wala pang mga muwang sa mundo kasi kapag tumawa sila, alam mong natutuwa talaga sila. Pati mga maliliit na bagay ay kinatutuwaan ko na rin gaya ng simpleng pagbili ng turon, pagpasyal sa ukay-ukay, pagtatapon ng basura, pagkain ng paboritong nagaraya yellow (butter flavor), pagsagot sa text ng mga kaibigan at pati nga pagdadamit ng maayos ay nagustuhan ko na. 

Nalilibang ako ngayon sa pakikinig kay Adele, isang UK singer na plus size gaya ko. Dati kasi, nahihirapan pa akong tanggapin ang malaki kong katawan pero nung makita ko siya at marinig ko pang kumanta.. hindi ko alam pero parang lumuwag ang pakiramdam ko. At ngayon, mas determinado na akong maging malusog uli sa pamamagitan ng exercise. Tapos na ang phase ng sobra-sobrang pagkain.

Napansin ko din na unti-unti  na akong lumalabas sa aking kahon. Nag-aayos ako ngayon ng isang High School reunion, nakikipagkita sa mga mahal kong kababata, nakikipag-usap na uli  sa ibang tao kahit sa internet lang at mantakin mong naging presidente pa ako ng klase. Nagiging mas bukas na din ako sa pakikipagkaibigan kahit sa opisina at sa mga kapit-bahay. 

Nasasabi ko na din sa aking sarili na magiging OK na ang lahat kahit na lagi't lagi ay may mga darating na problema. Hindi na din masyadong negatibo ang mga senaryo sa loob ng utak ko. Sa isang usap nga namin ng akong katrabaho, nakakalampas sa Dark Ages ang aming ginamit na termino. Yung nalalaman mo na yung pagtimbang ng tama sa mali kahit hindi ka pa expert at mas marunong ka nang umunawa sa sinasabi ng iba. Para bang unti-unti ay nakakalangoy ka na uli sa masalimuot na dagat na kung tawagin ay real life. 

Baka wari mo na naman ay kasawian sa pag-ibig ang pinag-uusapan, pwes, mali ka. Outlook sa buhay ang pinatutungkulan dito. Yung paano natin nakikita ang positibo sa kabila nang isang pangit na araw. Nagagawa pa ba nating ngumiti ng walang bahid na lungkot sa kabila ng walang katapusang mga problema? Hindi tayo dapat magsawa sa buhay dahil laging may naghihintay na pagbabago kahit sa pinakasimpleng paraan. Gaya ng nabili kong turon na may kasamang langka at mga text na Level Up na din ang mga kumustahan at hindi na lang puro qoutations. Kung gusto mo pa ng sample, pati sa nagaraya. naganap ang pagbabago sa akin, imbes na yellow, pinili ko yung red hot and spicy, panalo di ba?
Kaya para sagutin kung ano ang nagbibigay sa akin ng happiness, walang iba kundi ang buhay mismo. Masarap pa rin mabuhay, subukan mo, ngayon na.


-- para sa aking pamilya na umantabay sa akin hanggang sa final verdict. =)

Huwebes, Hulyo 28, 2011

Nakita mo ba ang mga Bata?



Sa isang kanto ng Aurora Boulevard,nakakita ako ng isang batang basang basa sa ulan at namamalimos. Kinakalabit niya lahat ng kanyang nilalapitan,sinasayawan pa para mapansin siya. Sa tantya ko, mga apat na taong gulang ang batang lalaki. Malaki ang tiyan, bukot ang likod at payat, halatang halata na maysakit ang bata at pinatigil na ng kahirapan ang paglaki.

Sa isang kalye ng Angeles City, may isang bata na may bilugang mga mata, maputi ang kulay ng balat at blondie ang buhok. Nasa sampung taong gulang siguro. Para siyang Diyosa mula sa kanluran sa marahan niyang paglalakad. Isang tingin pa lang ay alam mong anak ng kano ang batang ito. Ang kakaiba lang, hindi siya galing sa eskwelahan dahil hindi naman siya naka-uniporme sa hapon na iyon. At lalong hindi siya mukhang pauwi dahil pusturang pustura siya sa suot niyang maikling damit. Nagtaka na ako. 
Sa di kalayuan ay natanaw ko na ang Fields Avenue.Ayoko nang isipin ang sumunod na pangyayari.

Sa isang malayong bundok ,  may isang sanggol na hirap na hirap nang huminga at nanginginig mula pa noong madaling araw. May apat pa siyang kapatid na hindi na din nakakapag-aral dahil napakalayo ng eskwelahan at walang katuwang ang tatay sa gasak. Naiiyak na ang nanay ng sanggol, wala naman silang gamot at lalong walang mapagkukunan.Dati silang nakatira sa patag bago sila agawan ng lupa.Pangatlong sanggol na ito kung saka-sakali na mamamatay sa sakit na huhulaan na lamang nila na malaria, pulmonya o simpleng lagnat.

Sa isang malaking bodega sa timog katagalugan, may nakapaskil na sign board na nakasaad ang Help Wanted. Dahil walang trabaho ang isang kaibigan, sumubok siyang mag-aplay. Sa gate pa lang, sinigawan na siya ng guwardiya, "Hinid kami tumatanggap ng matatanda dito!". Sumagot siya, "Bente-uno pa lang po ako kuya." 
Napatingin siya sa siwang ng guardhouse, mga batang edad sampung taon pababa ang nakita niya na nagkukulumpon ng mga plastik at goma. "Alis na, alis na." Sabi ng bantay.

Sa isang paaralan, maraming silya ang sira, bakante  ang mga silid na tuklap na ang mga bubong, luma o wala nang libro, may mga basyo ng bala sa paligid. Wala nang bata sa lugar na ito, hindi  na sila para sa lugar na ito.


June 27, 2011

Maria Leones:Nagmamahal mula sa Ospital

Isa-isa mo silang bilangin 
Mula sa pagtulog
Hanggang sa paggising
Mag-asam ka ng higit
At higitan mo pa ang iyong iniisip
Babalik ka sa isang panaginip
Naroon ka
Kasama mo sila
Maligaya ka

Huwag ka nang manimdim

June 28, 2011

Lunes, Hulyo 25, 2011

This is for the woman who reads with tears



If you ever find yourself in the middle of uncertainty
Speak
If you ever find yourself wondering if you did right
Pause
If you ever find yourself  looking away from the truth
Think
If you ever find yourself singing unfamiliar songs
Exhale
If you ever find yourself drowning in tears
Swim
If you ever find yourself making the wrong decisions
Learn
If you ever find yourself empty
Wander
If you ever find yourself weak
Fly
If you ever find yourself forgetting things
Remember
If you ever find yourself  at the lowest point, helpless
Rise
If you ever find yourself afraid
Defend

And if you ever feel that there's a big dead end sign ahead
Turn back
Keep your head up
There is more to life than sadness.

Huwebes, Hulyo 21, 2011

Ang kanilang Sinabi


"Hindi talaga ako kumakain ng ampalaya, pero nung sumabay ako kumain sa mga magsasaka, nahiya ako sa sarili ko at sa kanila. Kumain na din ako."           
                                                          - mula sa isang peti-b

"Hindi ko gugustuhin na tumira sa kalunsuran. Hindi napapakinabangan ang lupa doon, puro semento."
                                                         - mula sa isang katutubo

" Huwag kang matakot sa kamatayan dahil kapag namatay ka, hindi mo na lam 'yun."
                                                         - mula sa isang kaibigan

"Fear itself is fear of the unkown. Natatakot ka sa mga bagay na hindi mo alam."
                                                       - mula sa aking Mentor

" Gusto kita dahil may gusto kang gawin sa buhay mo."
                                                      - mula sa isang kaibigang matalik

"Wala akong maibabahagi na lampas sa aking sariling karanasan."
                                                    - mula sa isang istriktong Bikolano

"Minumulto ako ng aking konsensiya. Hindi ko na kaya."
                                                   - mula sa isang nagkasala

"Madalas, kailangan nating pumili sa pagitan ng kung ano ang ating gusto at kung ano ang tama"
                                                  -mula sa isang maraming pinagdaanan sa buhay

"Napakagandang matawag na citizen of the world."
                                                 - isang magulang na mapagmahal

"Gloria, ipokrita!"
                  - mula sa isang galit na ilaw ng tahanan

"Mahal kita at inaasahan kong lagi kang magbabago"
                                               -mula sa isang sipi sa tula na binasa ng isang engaged

"Kaya ng isip ang hindi kaya ng katawan."
                                             -mula sa isang ninong

"Tatalikuran ka ng lahat maliban ng iyong pamilya."
                                             - mula sa isang bigo

"Maraming salamat at alam mo palang galit ako sa iyo."
                                           - mula sa isang nakasamaan ng loob at muling nakabati

"There's such a thing called animal appeal. It's different from sex appeal."
                                           - mula sa isang mahilig sa usapang senswal

"Maganda siya tulad ng kanyang malamig na boses tuwing siya'y kumakanta."
                                           - mula sa isang love letter

"Puro kayo bawal, hindi niyo naman sinusunod."
                                           - mula sa isang lesbian

"Tanga ba ako? Hindi ko naman 'to sinasadya."
                                          - mula sa isang makulit na engot

"Ang taong dapat mong mahalin ay iyong hindi natatakot humawak ng putik,"
                                          - mula sa isang mabait na ama-amahan

"Opportunity may knock once or twice. Nasa iyo ang desisyon kung ano ang pipiliin mo."
                                         - mula kay Larry Damian ng 774 am station

"Pagod na pagod ang panga ko kakanguya. Susmaryosep, tubig lang ang pahinga."
                                        - mula sa isang nakipamyesta matapos ang mahabang panahon

"Uy ang taba mo! Buntis ka?."
                 - mula sa maraming tao =)

"The best is yet to come."
                 - mula sa isang pinakamamahal na pinsan

 



              

Miyerkules, Hulyo 20, 2011

Ilagan, Isabela - Enero 2011




Isang kahoy na 'barge' para sa pagtatawid ng mga tricycle sa Ilog Cagayan

                                                       Damong-ligaw sa Balay Ilagan

                                                               Pagtawid sa Ilog

                                                                         Butaka

Mga batang Ilokano

                                                                      Battil Patong

Dalaw


Nasabit lang ako sa pagpapatingin sa OB-Gyn ng isang kaibigang buntis na matapos ang tsek-ap ay nagbida sa kanyang doktor na ako nga ay hindi dinadatnan ng buwanang dalaw. Nahiya naman ako sa pagkakasabi niya, para bang hindi ako tunay na babae dahil hindi ako regular na nagkaka-mens kaya napatango na lamang ako. Sumagot na lang ako ng "opo doktora" sa tanong niya kung totoo ba ang sinabi ng buntis. Hindi ko namamalayan na may sampung "opo doktora" na pala ang nasasabi ko sa lahat ng kanyang tanong. At para matapos ang kanyang paghihinala ay pinahiga na niya ako sa maliit na kama sa loob ng kanyang klinika at saka isinalang para sa isang Transvaginal Sonography o TVS. Tagumpay ang pagsusuri, ako ay may maliliit na follicle cysts sa loob ng obaryo na siyang pumipigil sa aking mga egg cells na mag-mature. Polycystic Ovaries Syndrome, ito ang sanhi ng aking kawalan ng regla buwan-buwan at ayon sa mga pag-aaral, katambal ng ganitong kundisyon ay diabetes, obesity at hirsutism (malalagong bigote at balahibo). Sa kabila nang mga sinasabi sa aking mga medical terms, ang nasa likod ng isip ko ay wala kaming pambayad sa TVS lalo pa't ang presyo nito ay mas mahal pa sa Ultrasound.

Huwag na daw naming alalahanin ang bayad sabi ng doktor na matagal na palang kakilala ng aking kaibigan. Ang mahalaga daw ay nalaman namin ang tunay kong kalagayan. At huwag daw akong mag-alala dahil hindi daw ito sakit, ito ay isa lamang kundisyon na maaring i-manage ika nga. Dati kasi, hindi ko naman ito inaaalala, ang alam ko lang ay irregular ako, the end. Kung meron, ok lang, kung wala, salamat at tipid sa napkin. Pero noong araw na iyon ay kitang-kita ko ang concern ng doktor. " Ilang taon ka na ba iha?"  tanong niya, " Nineteen po." sagot ko naman. Bata pa naman daw ako pero dapat daw ay agapan ko din ang aking sarili dahil mahirap daw magkaanak ang mga babae na may ganitong kundisyon. Sa akin naman, parang ayos lang kasi wala naman akong hinahabol na panahon, wala akong asawa o karelasyon. Pero bago kami umalis, mahigpit niyang ipinagbilin na ipagpatuloy ko daw ang pagpapatingin dahil mahalaga daw iyon.

Matapos ang ilang taon, natagpuan ko  ang aking sarili sa gitna ng isang relasyon. At hindi ko akalain na ang mga salitang binitawan ng OB-Gyn sa akin noon ay magiging isang malaking takot. Naging madalas kong katanungan sa sarili iyong "Paano kung hindi ako magkaanak?" at "Paano kung hindi ko siya mabigyan ng anak?"  Inabot ako ng matinding stress na para bang kailangan ko nang magmadali dahil determinado ako sa aking komitment sa relasyon at alam kong siya na nga ang gusto kong maging asawa. Dahil dito ay nagpasya akong magpatingin. Dumaan ako sa mga konsultasyon at makailang beses na TVS, uminom din ng mga mamahaling gamot na karamihan ay para mag-boost ng hormones. Hindi ko nga lang hiyang ang mga gamot dahil nakakagutom, may nangyari pa nga na sa gitna ng isang biyahe ko sa probinsya ay bumaba ako ng bus para kumain sa isang palengke sanhi ng sobrang gutom (nakaubos ako ng isang bandehadong ginataan, isang platong spageti at dalawang turon).

Sinubok ko din ang pulot-pukyutan, talaba, ginseng,makabuhay, sandamakmak na baka at kung anu-ano pang aphrodisiacs. Bukod dito sinubukan ko pati pagpapahilot, pagtulog ng nakataas ang paa, acupuncture at minsan pa nga ay dinasalan pa ako ng isang albularyo.Biro nga sa akin, magsayaw sa Obando o kaya eh lumakad ng nakaluhod sa Quiapo para magkaanak na inayawan ko naman dahil magmukumukha akong tanga dahil tiyak kong mag-isa lang akong pupunta at hindi siya sasama. 

Maraming beses akong umiyak dahil sa kalagayan kong ito. Yung pakiramdam na parang hindi ka buo bilang isang babae dahil hindi ka makapag-ambag ng salinlahi sa mundo. Ang ibang tao, napakadali nilang sabihin sa akin na ok lang yan, darating din yan, 'wag kang mag-alala, pero sasabihin lang nila yun. Sa huli, maaawa lang din sila sa akin dahil sa kalagayan ko at lalo na naman akong malulungkot. Aminin man natin o hindi, hinuhusgahan pa din sa lipunang ito ang isang babae kapag siya ay baog.

Alam ko namang hindi ako baog dangan lamang ay napakaraming idudugtong na paliwanag.
Gusto kong ipaliwanag na hindi naman ako lang ang may PCOS dahil karaniwan daw ito sa kababaihan ng aming henerasyon bunga ng lifestyle at pagkain. Gusto kong sabihin  na hindi ito sakit dahil marami nang nakalagpas dito at sinwerteng magkaanak. Gusto kong maintindihan nila na sa pamilya ng nanay ko, lima sa siyam kong Lola ang hindi nagkaanak kaya nasa lahi namin ang infertility. Ngunit lalo akong nabibigo kapag nararamdaman ko na hindi rin buo ang pakiramdam nung isa dahil hindi nga ako magka-anak.

Nakakapagod din pala ang laging nag-aalala.

Matapos ang ilan pang taon, natagpuan ko naman ang aking sarili sa labas ng relasyong iyon. Dumating na sa punto na tinatanong ko na ang aking sarili kung pag-aanak nga lang ba ang purpose ko sa buhay? Ito ba talaga ang kaganapan ng aking pagkababae? Masaya pa ba kami? Masaya pa ba ako?

Matapos ang mahabang debate ng aking isip at damdamin, nagdesisyon akong dakila ang maging isang ina, ngunit hindi pa ito ang aking panahon.

Marami pa palang pwedeng gawin bukod sa pag-aaalala.  Magbasa, magtrabahong muli para sa pamilya, kumuha ng mga litrato, mamasyal sa Cubao Expo, Recto, Quiapo at QC Circle, mag-social network, tumawa ng malakas, kumanta, magsulat at higit sa lahat, magmahal ng mas marami pang tao sa paligid ko.

Hindi man ako pinalad magkaanak sa yugtong ito, ok lang, hindi pa nauukol sabi ng matatanda. Pababayaan ko munang dumaloy ang mga bagay-bagay may dalaw man ako o wala.  =)





Martes, Hulyo 19, 2011

Awit ni Kanupling


[Paunawa: Hindi ako ang sumulat nito.May mga awitin lang tayong hindi makalilimutan kahit magunaw ang mundo.
Sa mga nakakaalala pa ng kantang ito, nawa'y magdulot ito ng kapanatagan ng loob. Salamat kay Kuya na nagturo sa akin ng awit na ito kahit lagi siyang wala sa tono.]

Sa hirap at sa ginhawa
Ako'y iyong kasama
Bituing mapagpala ang gagabay sa 'ting dalawa
At kahit na malayo pa o maglaho ang sinag
Ako'y tapat sa'yo, kaibigan ko't kadaup-palad

Koro
Tayo nang gumaod sa bangka
At damhin ang tubig sa mukha
Lasapin ang simoy ng hangin
Magpahanggang-libing
Magpahanggang-libing

Ipaghehele tayo ng lagaslas ng mga alon
Iduduyan sa ihip ng hanging dagat
At tatanglawan ng mga bituing
Mapagpala sa langit
Haharapin natin ang mahabang gabi

Koro

Ahente


Narito na ako, mula sa maghapon at magdamagan na trabaho
Ang aking ikinayod ang nakatakdang pangkain  sa susunod na dalawang linggo
Inalipin na naman ako ng mga banyaga kahit hindi ko sila nakikita
Nasusuka na sa sa sariling accent at nahihilo sa sariling pagkatao

Hindi ako ipinanganak na sinungaling
Ngunit kailangan kong magpanggap na kaya ko pa
Na matitiis ko pa ang mga pang-aalipusta
Para sa trabaho na ito
Para sa suweldo
Para sa pamilya at sarili ko

Sana nga ay makaalpas na ako sa cubicle na ito
At sa apat na sulok ng computer
Sana nga ay matapos na ang mga sukatan ng oras
 kung sino ang 1st break-yosi-lunch-yosi- Last break
at mga  paulit-ulit at  palagiang umuulit na mga sandali

Hindi ako nagrereklamo dahil ito ay trabaho
(Nagrerebolusyon lang ang damdamin ko)
At lalong hindi nagmamataas
(Kahit dinudurog na ang pagkatao sa telepono)
Sa totoo lang, napakaraming matatalino sa lugar na ito
Na nagtitiis
Dahil kailangan ng kabuhayan
Dahil sa Pilipinas, walang trabaho para sa 25 and above
At undergraduate (o graduate man)
Dahil wala akong mapagpipilian kundi ang panggabing trabaho
o (uulitin ko) ang walang trabaho.
Maraming dahilan, maraming dahilan.

Minsan,
Nakabubulag ang malaking sweldo
At ang makapamasyal sa labas ng kahong de-aircon
Madalas
Binabaliw ako ng pagod at hirap
At nawawalan ng gana sa mundo
Malamang
Konti na lang, ako’y aayaw na
At hahanaping muli ang sarili
--- sa iba pang kahong de-aircon

Kailangang kailangan lang talaga
Dahil naghihintay ang aking sarili
Anak
Pamilya.

May 9, 2011