Miyerkules, Setyembre 12, 2012

Hagdan ng mga Dahilan

May mga oras na tumitigil ang mundo para sa atin
Oo, para sa atin lamang
Mga sandaling inaagos tayo ng ating mga reyalidad
Patungo sa isang madawag na paraiso

Nagkukumahog tayong mang-agaw
Samantalahin ang mga pagkakataong hibang
Sa dulo ng talukap ng ating mga mata
Binubuhay natin ang mga pangarap ng nakaraan

Nananatili tayong hayok sa mga sandaling iyon
At natatapos ang mabubuting hangarin
Dahil mas higit pa ang ating hangarin
Sa isa't isa.

Bagama't ganito
Natitigilan tayo
Dahil ninanais ng mundo
Ang reyalidad.



Miyerkules, Agosto 29, 2012

Hindi Ako Makapagsulat

Kahit ako ay nagtataka kung bakit aking mga post sa blog na ito ay hinggil sa pag-ibig.

Maiba naman...

May apat na taon na ang nakalipas mula nang isulat ko ang tula na ito. May nag-iisang tao lamang ang nakakakabisa nito, ginamit niya ito para sa isang tula-galaw na bilang para sa isang pangkulturang pagtatanghal. Nagulat ako sa pwersa ng mga salita at kumbinasyon ng teatro, kakaiba ito. Iyon nga lamang ay hindi pa kami muling nagkikita para makuha ko ang kabuuan ng aking tula. Ito ang aking sakit. Halos lahat ng aking mga tula ay ipinamimigay ko at hindi ako nakapagtatabi ng kopya. Madalas ay panregalo, kung minsan ay pampsaya (o pampaiyak). Kung minsan ay para maaantig ang natutulog na damdaming progresibo, minsan ay para mapanatili ang alaala ng mga mahahalagang bagay. o kaya naman ay makapagsabi ng nadarama gaya ng galit o pag-ibig. 

Kinakalawang na din ako. Ni hindi ako makapagsulat ng limang tula para isali sa isang napipintong palihan sa Pamantasan. Kaya heto muna ang unang installment ng aking tula na pati ang titulo ay hindi ko na tanda.

Isinilang kitang suhi sa gitna ng ating pananghalian
Tikom ang iyong mga palad at duguan ang iyong buong katawan
Pinuno mo ng iyak ang silid-kapangakan
Hinawakan kita’t maingat na hinagkan
Ikaw ang aking anak, ang pinakamamahal kong anak

Matikas kang sanggol ngunit labis na mabait
Sa mga araw ng kagutuman ay inuugoy ako ng iyong mga ngiti
Mahirap mang itaguyod ang kasaganahan
Niyayakap mo ako na tila iyong nauunawaan an gating kalagayan,
Ikaw ang aking anak, ang pinakamamahal kong anak.

A Song from the Film - Love in the Time of Cholera- based on the book by Gabriel Garcia Marquez

Pienso en ti
Cada dia pienso en ti
pienso un poco mas en ti
despedazo mi corazon
se destruye algo de mi.
Cada dia pienso en ti
pienso un poco mas en ti.
Cada vez que sale el sol
busco un algo de valor
para continuar asi
y te veo asi no te toque
rezo por ti cada noche
amanece y pienso en ti
y retumba en mis oidos
el tic-tac de los relojes
y sigo pensando en ti
y sigo pensando...

I think of you
Every day I think of you,
I think a little more of you.
I tear my reasoning into pieces,
ruining some part of myself.
Every day I think of you,
I think a little more of you.
Every time the sun sets,
I look for a little bit of courage
to go on like this,
and I see you this way, don't touch you,
I pray for you every night.
Dawn breaks and I think of you
and the tick-tock of the clocks
echoes in my ears,
And I keep thinking of you
And I keep thinking...

Huwebes, Hulyo 26, 2012

Some words worth saying...


Once upon a time
I wanted to know what love was
Love is there if you want it to be
You just have to see that it's wrapped in beauty
Hidden away between the seconds of your life
If you don't stop for a minute
You might miss it.

--- from the movie Cashback

Martes, Hulyo 17, 2012

Chances

-definition: a good time to act stupid, cry your heart out and believe in the impossible.

Martes, Hunyo 26, 2012

Ang Gabing Ito

Malakas ang aking pakiramdam
At nadarama ko 
Ang pangungulila
Na hindi ako ang sanhi

Muli, naghalungkat na naman ako sa aking kublihan
Ng mga awiting puro salita
Nangungusap sa kalawakan
Na ako'y hulugan ng sariling tala


PS Maaari mo naman akong kausapin ng deretsahan

Miyerkules, Mayo 23, 2012

Walang Pagpipilit

Mula noong mag-resign ako mula sa pagiging alipin, muling nagbago ang lahat.
Ngayon, kahit nagtatrabaho ako ng higit sa sampung oras at kahit nangangapa ako sa bagong trabaho, mas nararamdaman ko ang halaga ng aking pagakatao.
Hindi na ako nagmumukhang ng salapi.
Nakakatawa na akong muli gaya ng dati.
Napapadpad sa iba't ibang lugar.
Nagiging mas palaisip.
At higit sa lahat, kahit paano ay nakakapaglingkod na akong muli sa kapwa tao.

Walang pagpipilit, dumarating ang mga pangangailangan gaya ng kaibigan, karanasan, katatawanan, kwentuhang mahahaba at kung anu-ano pa.

Places: March, April, May 2012

Macau


Caramoan, Camarines Sur
Subic International Hotel, SBMA, Zambales
Muy Bien Event para kay Nat'l Artist Bien Lumbera
UP Diliman
La Mesa Eco Park

Punta De Fabian, Baras, Rizal

(Together with Undersecretary Proceso Domingo of the Office of Civil Defense)
Holiday Inn Galleria Manila, Ortigas



Biyernes, Marso 2, 2012

Pagtatapos

Ngayon na ang panahon para iwan ko na ang telepono.
Paalam na sa kahon.

Biyernes, Enero 13, 2012

Ang paborito kong tula

(Ang kagandahan sa tula na ito, mas namamayani ang pakikipag-usap niya sa kapwa babae. Totoong in-love siya pero paano kung hindi? Paano kung naisulat niya ito para sa isang lalaki na hindi niya nakatuluyan? Maari ding masabi na baka galit siya sa lalaki na pinatutungkulan nito dahil hindi naabot ng lalaki ang standards niya. Puwede namang hindi lamang ang pag-ibig ang pagtuunan ng pansin dahil ang estetika ng tula ay may mas higit na mensaheng ipinapaabot sa mga kababaihan- o baka isinusulat ko lang din ito dahil wala akong sinisinta ngayon at nag-aasta na naman akong intelektwal sa pag-ibig, hahaha. Maganda ang tula na ito dahil sa malalim na kaugnayan nito sa buhay na tinahak ni Gioconda Belli, isang manunulang taga-Nicaragua at manunulat na nakikibaka sa kanilang panahon. Kaya heto na kabaro, hayaan mong kausapin ka ng tula na ito.)


The Man Who Loves Me by Gioconda Belli

The man who loves me should know how to part curtains
of flesh
Fathom my eye’s depths
And know that in me nestles
A tender, transparent swallow.

The man who loves me
Will not covet me like a commodity
Nor exhibit me like a sportsman’s trophy
He will stand by me
Loving me just as I love and stand by him.

The man who loves me
Will be strong as the ceibo trees
Solid and sheltering as they are,
Clear as a December morning.

The man who loves me
Will not distrust my smile
Nor fear my hair’s profusion.
He will respect sorrow, silence.
And with caresses, he will play upon my stomach,
As on a guitar, making pleasure issue from
my body’s recesses.

The man who loves me
Will discover I can be
A hammock on which to rest his burdens and cares.
A friend with whom to share intimate secrets.
A lake on which to float,
Without fear that the anchor of his commitment
Will prevent flight
Should it occur to him to be a bird.

The man who loves me
Will make poetry of his life
Structuring each day
With his gaze set on the future

But above all else
The man who loves me must love people
Not as some abstract category
Mentioned carelessly
But as something real, concrete
To whom one show devotion through actions
Giving up one’s life if required.

The man who loves me
Will recognize my face in the midst of a battle
And with knee bent to the earth,
he will love me
As the two of us fire together at the enemy.

My man in love
Will not fear giving himself
Nor fear finding himself magically smitten.
In a plaza filled with great crowds,
He will be able to shout “I Love You”
Or make extravagant announcements on top of buildings
Proclaiming his right to feel
The most beautiful and human emotion.

My man in love
Will not flee kitchens
Nor the diapers of our child
His love will be like a refreshing breeze
Carrying away among mists of dream and the past
Weakness that, for centuries kept us divided,
As beings of different worth.

My man in love
Will not want to stereotype and standardize me
He will give me air, space
Nourishment to grow and improve
Like a REVOLUTION
Which makes each new day
The beginning of a NEW VICTORY