May isang kaibigan ang nagsabi sa akin noon ng definition ng musika. Hardcore heavy metal rocker siya at alam mong pwedeng pwede siyang mambugbog ng mga boy band lovers anumang oras. Pero sabi niya, ang mahalaga sa musika ay yung rhythm,lyrics at mensahe. Lagi ko daw iyong gagawin kapag nakikinig ako ng kahit anong genre ng music. Sabi ko sa kanya, usually ang mga deep lyrics ay nasa indie at underground music scene at wala sa mainstream pero sinagot niya ako na hindi din. Kailangan wala daw akong bias at tingnan ang parehas na anggulo. Marami nga daw talagang basura at dekadenteng musika sa daigdig kaya kailangan daw ay matalas ako sa pagpili. Hindi kinakailangan na maging favorite ko yung kanta, ang kailangan lang daw ay napapakinggan ko ng mabuti ang mensahe nito.
In some ways, tama naman siya dahil pagkatapos nun ay para akong nagkaroon ng “third ear”, isa pang tenga na nagpoproseso ng impormasyon sa likod ng mga awit at himig.Kapag nakikinig ako ng musika, ipinaghihiwa-hiwalay ko ang lyrics sa instumento, at ang mga instrument ay pinaghihiwa-hiwalay ko din. Sa paglipas ng panahon, eto na yung ilang nailista kong mga kanta na nabigyan ko ng sariling pagsusuri, ang iba dito ay hindi na din nakabatay sa kanta kundi nakasalalay na sa sarili kong damdamin kapag naririninig ang kanta. Paumanhin kung hindi ko na mapapasadahan ang iba pang music era.Libreng mag-comment at magdagdag ang lahat, kanya-kanyang third ear naman po tayo.=)
My Immortal- Evanesence
- Kumbinasyon ng magandang Vocals and instruments, umiiyak at naulilang bata
Only Hope- switchfoot
- Lyrics , magpapakamatay para sa pag-ibig
Don’t Think twice its alright- Peter, Paul and Mary
- Timing, guitars at lyrics, mag-asawang inabot ng paghihiwalay habang buntis ang babae sa ibang lalaki
Miss Misery- OST ng Good Will Hunting
- Guitars , magandang pakinggan kapag malungkot
Lady is a Vamp- Spice Girls
- Sound mixing,lately ko na-realize na ito ang premonition ng Spice Girls na darating si Lady Gaga sa mundo
Tender Love- ?
- Lyrics, matagal na matagal na naghintay sa pag-ibig
D’ya know what I mean- Oasis
- Lyrics and guitars- excommunication
Together Again-Janet Jackson
- Lyrics, kanta para sa patay
Out of My League- Stephen Speaks
- Kombinasyon ng Lyrics and piano, wala masyadong mensahe ang kanta, hindi rin pasado as a love song
Baba-o-Riley- The Who
- Naghinala ako noon na ginaya dito ang soundtrack ng Baywatch pero wala akong proof. Mahusay ang gitara at keyboards
Lady Madonna- The Beatles
- Lyrics, kanta para sa lahat ng struggling single mothers
Hands- Jewel
- Piano, tungkol ito sa rebolusyon. Ayaw lang aminin ni Jewel sa kanta
Mary Jane- Alanis Morissete
- Nakakatawa pero it took me 1 year( after ma-realease ang album) para ma-realize na para sa Marijuana ang kanta na ito.
Four Seasons of Loneliness- Boyz II Men
- Lyrics and rhythm, pwedeng pakinggan kapag gusto nating bumagal ang oras
True Colors and Time After Time- Cyndi Lauper
- Kahit anong oras,mood o sitwasyon, eto ang dalawang kanta na pwede kong kantahin sa ulo.
Mga kanta ng RAGE Against the Machine
- Wala silang katulad.
Cold Feet- Tracy Chapman
- Lyrics and guitars, kamatayang walang hustisya
Kundiman at Rebolusyon
- Sa lahat ng awitin sa R&D, ito ang pinakamadalang na nagiging paborito ng karamihan , pero kung ako ang tatanungin ay ito ang pinakamaganda sa album.
Porcelain - Red Hot Chili Peppers
- Kanta para sa mga taong-grasa
Piece of My Heart- Janis Joplin
- Beat and monster vocals, gusto ko din yung version ng kapatid ko
Blackbird- Sarah McLachlan
- Guitars and vocals, regaining self- confidence and acceptance of truth
A Case of You- Joni Mitchell
- Gitara, lyrics at vocals, kanta ng isang nagnanais nang umuwi sa kanyang mahal na tahanan
One Day- Matisyahu
- Cello on the background and lyrics, dream of peace
Not Ready to Make Nice-Dixie Chicks
- Plain and simple message- Anti-US imperialism
Awit ng Kambing- Dong Abay
- Katotohanan
Waiting in Vain- Bob Marley
- Beat, pagmamadali at pagtigil
Buhay ay Hindi kasing Ganda ng isang Pangarap- Buklod
- Vocals, Reality of things
Never Been To Me- Charlene Duncan
- Piano, May isang kaibigan na nagsabi sa akin na ito ay kanta ng isang prostitute, tapos kinanta ni Ogie Alcasid sa SOP.Imagine? Laugh Trip ang inabot namin.
Stuck in a Moment- U2
- Husky na boses ni Bono at drums, a song of courage ng isang batang babae
Daysleeper- REM
- Tambourine, kinanta ko noong maging call center agent ako
Smoke- Natalie Imbruglia
- Lyrics, isang incest victim
Unforgiven 2- Metallica
- Kanta ito para sa lahat ng may kasalanan sa Sambayanang Pilipino
Don’t Say You Love Me- M2M
- Guitars, against teenage pregnancy ang kanta na ito, akala ng iba na pa-tweetums lang
Wind Beneath My Wings- Bette Midler
- Vocals and lyrics, para sa De Vera Family
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento