Martes, Setyembre 6, 2011

Tayawan



Nagigiliw ang mga kuliglig sa simoy at anghang
Ipinagdiriwang ng mga labuyo ang mababagal  na hakbang
Nanginig sa takot ang kawawang lamiran
Natupok ng apoy ang mabuhangin na pampang.

Salat sa pagtataguan ang malinamnam na tatad
Gayundin ang pinakamaliliit na kabag
Bayawak man ay hindi nakalundag
Nasilat ng apoy sa putikang patag.

Ngunit ang nakararami pa din ang mapagpasya
Dahil sa bahay na puno ng pulot
Ang apoy ay nagkamali ng tantya
Hinabol, kinagat, kinuyog,
Bandang huli,
Nanalo ang mga bubuyog.

Nilunod ng gutom ang baboy ramo
Nakatakbo ang usa, nagitla ang dayo
Nagtiis na lamang sa saging na mabuto
Napatda ang apoy
Bukas, maglalakbay uli ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento