Lunes, Agosto 1, 2011

Ang Kama Ko

(Naisulat ko ito noong ako ay labing dalawang taong gulang pa lang. Wala akong in-edit, lahat ito word per word. Kung paano ko ito isinulat noon, ganun mo din siya mababasa)

Ito lang siguro ang natatanging lugar na maaaring maayos na mapagpahingahan ng pagod kong katawan. May dalawang unan, malambot na kutson at manipis na kumot, gusto ko kasi malamig. Sa lugar ding ito naiisip at napapanaginipan ko ang mga kaibigan ko, mga kaaway ko, mga crush ko rin siyempre at minsan mga multo. Naa'y nakakatakot. Pero, hindi mawawala ang aking mga pangarap, imposible man o hindi, mga pangarap na talagang hindi matutupad kung patuloy lang akong hihiga sa kama ko, mga kaaway na hindi ko na mkakabati kung patuloy kong isisiksik sa punda ng unan ang mga galit ko at mga takot sa multong hindi mawawala kung patuloy akong magtataklob ng kumot at magdamag na buksan ang ilaw. Pero siyempre, hindi ko ipagpapalit ang kama ko.

Abril 1998

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento