Martes, Agosto 30, 2011

Makasalikut mu/ Nakatago lang


Madalas da kang agaganaka

(Madalas kitang naaalala)
Pakatandanan mung e da ka akalingwan
(Pakatandaan mong hindi kita kakalimutan)
Kapilanman
(Kailanman)
Kapilanman
(Kailanman)
Hanggang ngeni
(Hanggang ngayon)

Malagad kung mipapatudtud
(Madalang akong nakatutulog)
Maibug kong tumangis alang patda
(Gusto kong umiyak ng walang humpay)
Ugtung Aldo
(Tanghaling tapat)
Disioras ning bengi
(Disioras ng gabi)
Hanggang ngeni, habang gagawan ke ini.
(Hanggang ngayon, kahit habang ginagawa ko ito.)

Mayap ya mu sana
(Maayos lamang sana)
Mayap ka mu sana
(Maayos ka lamang sana)

"Dinukot siya dahil lumalaban daw siya sa gobyerno, masama daw siyang tao.."
"Wala pong kaaway ang anak ko, ang anak ko po ay mabait.."
"Ibalik niyo siya sa akin.."
"Hindi ako magtutulos ng kandila, alam kong buhay siya.."
"Ang masamang tao ay ang mga kumuha sa kanya.."
"Heto ang larawan niya.Nakita niyo po ba siya?"

Atitiyak ku
(Natitiyak ko)
Kalupa na ning litrato mung atsu kanaku
(Katulad ng litrato mong tangan ko)
Makasalikut ka mu.
(Nakatago ka lang.
Itinatago lamang.)

Pantunan da ka pa mu rin
(Hahanapin pa rin kita)
Andyang masakit man
(Kahit mahirap man)
Pantunan da ka pa mu rin
(Hahanapin pa rin kita)
Nanu pa man ing kasapitan
(Ano pa man ang kasapitan)
Panenayan da ka.
(Hihintayin kita.)


--- para sa desaparecidos at kanilang mga pamilya



 August 30, 2011 at 1:15am

Martes, Agosto 9, 2011

Ang Kanta ni Elsa

Ako ay isang lobo
Kulay pulang lobo
Lumipad ngunit hindi umabot sa langit
Pumutok ako sa kalangitan
At nalaglag ng walang dangal sa kalupaan

Ako ay isang lobo
Matingkad at pulang lobo
Itinali ng pagkahigpit-higpit
Tiniis ang masakit, tiniis ang pagpilipit
Pinigil ang hiningang impit

Ako ay isang lobo
Magandang palamuting lobo
Pumutok na pala
Ginawan pa ng kanta
Tuloy, naging nursery rhyme pa

Ako ay isang lobo
Sayang na sayang daw ako
Lugi ang bumili ng lobo
Kung kinain na lamang ng buo
Napakinabangan pa sana ng husto

Hay..

Ako ngayo'y isang hangin
Ay, hindi
Parte na lang ng hangin
Hindi na ako isang lobo
Huwag ka nang malungkot bata,
Malaya na ako.


- para sa lahat ng mga kabataang naging biktima ng sex trafficking

Lunes, Agosto 1, 2011

Ang Kama Ko

(Naisulat ko ito noong ako ay labing dalawang taong gulang pa lang. Wala akong in-edit, lahat ito word per word. Kung paano ko ito isinulat noon, ganun mo din siya mababasa)

Ito lang siguro ang natatanging lugar na maaaring maayos na mapagpahingahan ng pagod kong katawan. May dalawang unan, malambot na kutson at manipis na kumot, gusto ko kasi malamig. Sa lugar ding ito naiisip at napapanaginipan ko ang mga kaibigan ko, mga kaaway ko, mga crush ko rin siyempre at minsan mga multo. Naa'y nakakatakot. Pero, hindi mawawala ang aking mga pangarap, imposible man o hindi, mga pangarap na talagang hindi matutupad kung patuloy lang akong hihiga sa kama ko, mga kaaway na hindi ko na mkakabati kung patuloy kong isisiksik sa punda ng unan ang mga galit ko at mga takot sa multong hindi mawawala kung patuloy akong magtataklob ng kumot at magdamag na buksan ang ilaw. Pero siyempre, hindi ko ipagpapalit ang kama ko.

Abril 1998