Maiba naman...
May apat na taon na ang nakalipas mula nang isulat ko ang tula na ito. May nag-iisang tao lamang ang nakakakabisa nito, ginamit niya ito para sa isang tula-galaw na bilang para sa isang pangkulturang pagtatanghal. Nagulat ako sa pwersa ng mga salita at kumbinasyon ng teatro, kakaiba ito. Iyon nga lamang ay hindi pa kami muling nagkikita para makuha ko ang kabuuan ng aking tula. Ito ang aking sakit. Halos lahat ng aking mga tula ay ipinamimigay ko at hindi ako nakapagtatabi ng kopya. Madalas ay panregalo, kung minsan ay pampsaya (o pampaiyak). Kung minsan ay para maaantig ang natutulog na damdaming progresibo, minsan ay para mapanatili ang alaala ng mga mahahalagang bagay. o kaya naman ay makapagsabi ng nadarama gaya ng galit o pag-ibig.
Kinakalawang na din ako. Ni hindi ako makapagsulat ng limang tula para isali sa isang napipintong palihan sa Pamantasan. Kaya heto muna ang unang installment ng aking tula na pati ang titulo ay hindi ko na tanda.
Isinilang kitang suhi sa gitna ng ating
pananghalian
Tikom ang iyong mga palad at duguan ang
iyong buong katawan
Pinuno mo ng iyak ang silid-kapangakan
Hinawakan kita’t maingat na hinagkan
Ikaw ang aking anak, ang pinakamamahal
kong anak
Matikas kang sanggol ngunit labis na
mabait
Sa mga araw ng kagutuman ay inuugoy ako
ng iyong mga ngiti
Mahirap mang itaguyod ang kasaganahan
Niyayakap mo ako na tila iyong
nauunawaan an gating kalagayan,
Ikaw ang aking anak, ang pinakamamahal
kong anak.