May mga oras na tumitigil ang mundo para sa atin
Oo, para sa atin lamang
Mga sandaling inaagos tayo ng ating mga reyalidad
Patungo sa isang madawag na paraiso
Nagkukumahog tayong mang-agaw
Samantalahin ang mga pagkakataong hibang
Sa dulo ng talukap ng ating mga mata
Binubuhay natin ang mga pangarap ng nakaraan
Nananatili tayong hayok sa mga sandaling iyon
At natatapos ang mabubuting hangarin
Dahil mas higit pa ang ating hangarin
Sa isa't isa.
Bagama't ganito
Natitigilan tayo
Dahil ninanais ng mundo
Ang reyalidad.
Pagbabalik:Mga Tula at Marami pang iba
Nakabalik na pala ako nang hindi ko namamalayan.Panahon na muli ng paglalakbay. Mas malaya at masigla. Nakatanaw sa isang magandang Aurora ng umaga.
Miyerkules, Setyembre 12, 2012
Miyerkules, Agosto 29, 2012
Hindi Ako Makapagsulat
Kahit ako ay nagtataka kung bakit aking mga post sa blog na ito ay hinggil sa pag-ibig.
Maiba naman...
May apat na taon na ang nakalipas mula nang isulat ko ang tula na ito. May nag-iisang tao lamang ang nakakakabisa nito, ginamit niya ito para sa isang tula-galaw na bilang para sa isang pangkulturang pagtatanghal. Nagulat ako sa pwersa ng mga salita at kumbinasyon ng teatro, kakaiba ito. Iyon nga lamang ay hindi pa kami muling nagkikita para makuha ko ang kabuuan ng aking tula. Ito ang aking sakit. Halos lahat ng aking mga tula ay ipinamimigay ko at hindi ako nakapagtatabi ng kopya. Madalas ay panregalo, kung minsan ay pampsaya (o pampaiyak). Kung minsan ay para maaantig ang natutulog na damdaming progresibo, minsan ay para mapanatili ang alaala ng mga mahahalagang bagay. o kaya naman ay makapagsabi ng nadarama gaya ng galit o pag-ibig.
Kinakalawang na din ako. Ni hindi ako makapagsulat ng limang tula para isali sa isang napipintong palihan sa Pamantasan. Kaya heto muna ang unang installment ng aking tula na pati ang titulo ay hindi ko na tanda.
Isinilang kitang suhi sa gitna ng ating
pananghalian
Tikom ang iyong mga palad at duguan ang
iyong buong katawan
Pinuno mo ng iyak ang silid-kapangakan
Hinawakan kita’t maingat na hinagkan
Ikaw ang aking anak, ang pinakamamahal
kong anak
Matikas kang sanggol ngunit labis na
mabait
Sa mga araw ng kagutuman ay inuugoy ako
ng iyong mga ngiti
Mahirap mang itaguyod ang kasaganahan
Niyayakap mo ako na tila iyong
nauunawaan an gating kalagayan,
Ikaw ang aking anak, ang pinakamamahal
kong anak.
A Song from the Film - Love in the Time of Cholera- based on the book by Gabriel Garcia Marquez
Pienso en ti
Cada dia pienso en ti
pienso un poco mas en ti
despedazo mi corazon
se destruye algo de mi.
pienso un poco mas en ti
despedazo mi corazon
se destruye algo de mi.
Cada dia pienso en ti
pienso un poco mas en ti.
pienso un poco mas en ti.
Cada vez que sale el sol
busco un algo de valor
para continuar asi
y te veo asi no te toque
rezo por ti cada noche
amanece y pienso en ti
y retumba en mis oidos
el tic-tac de los relojes
y sigo pensando en ti
y sigo pensando...
busco un algo de valor
para continuar asi
y te veo asi no te toque
rezo por ti cada noche
amanece y pienso en ti
y retumba en mis oidos
el tic-tac de los relojes
y sigo pensando en ti
y sigo pensando...
I think of you
Every day I think of you,
I think a little more of you.
I tear my reasoning into pieces,
ruining some part of myself.
I think a little more of you.
I tear my reasoning into pieces,
ruining some part of myself.
Every day I think of you,
I think a little more of you.
I think a little more of you.
Every time the sun
sets,
I look for a little bit of courage
to go on like this,
and I see you this way, don't touch you,
I pray for you every night.
Dawn breaks and I think of you
and the tick-tock of the clocks
echoes in my ears,
And I keep thinking of you
And I keep thinking...
I look for a little bit of courage
to go on like this,
and I see you this way, don't touch you,
I pray for you every night.
Dawn breaks and I think of you
and the tick-tock of the clocks
echoes in my ears,
And I keep thinking of you
And I keep thinking...
Huwebes, Hulyo 26, 2012
Some words worth saying...
Once upon a time
I wanted to know what love was
Love is there if you want it to be
You just have to see that it's wrapped in beauty
Hidden away between the seconds of your life
If you don't stop for a minute
You might miss it.
--- from the movie Cashback
Martes, Hulyo 17, 2012
Martes, Hunyo 26, 2012
Ang Gabing Ito
Malakas ang aking pakiramdam
At nadarama ko
Ang pangungulila
Na hindi ako ang sanhi
Muli, naghalungkat na naman ako sa aking kublihan
Ng mga awiting puro salita
Nangungusap sa kalawakan
Na ako'y hulugan ng sariling tala
PS Maaari mo naman akong kausapin ng deretsahan
Miyerkules, Mayo 23, 2012
Walang Pagpipilit
Mula noong mag-resign ako mula sa pagiging alipin, muling nagbago ang lahat.
Ngayon, kahit nagtatrabaho ako ng higit sa sampung oras at kahit nangangapa ako sa bagong trabaho, mas nararamdaman ko ang halaga ng aking pagakatao.
Hindi na ako nagmumukhang ng salapi.
Nakakatawa na akong muli gaya ng dati.
Napapadpad sa iba't ibang lugar.
Nagiging mas palaisip.
At higit sa lahat, kahit paano ay nakakapaglingkod na akong muli sa kapwa tao.
Walang pagpipilit, dumarating ang mga pangangailangan gaya ng kaibigan, karanasan, katatawanan, kwentuhang mahahaba at kung anu-ano pa.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)